Monday, June 22, 2009

Impluwensya ng Media

Malaking parte na sa ating buhay ang media. Madalas ay umiikot na ang mundo ng mga tao sa media na kanilang nakikita. Sa ibang tao, ito na ang kanilang diyos. Ang mistulang bibliya ng kanilang pang-araw araw na buhay. Na lahat ng naririnig at sinasabi ng media ay nararapat lamang paniwalaan. Hindi na sila nagbibigay ng kahit kakaunting oras para isipin ang kredibilidad ng media na kanilang nakikita. Tama man o Mali, basta galing sa media, Totoo at dapat paniwalaan.
Dyan naniniwala ang mga taong makikitid ang utak. Naniniwala akong isa akong makitid na utak na nilalang noon. Di ako marunong magisip at kung magawa ko man magisip ay hindi kritikal. Kung ano ang sagot o ang binigay. Yun na. Inihahain at pinapakain na sakin ang lahat na wala manlang pagbibigay ingat sa lason na kasama nito. Katamaran sa kritikal na pagiisip. Yan ang sakit ko noon.
Ngayon, dahil sa tamang edukasyon, naiintindihan ko na kahit papaano ang pagiisip ng kritikal at pagiisip lamang. Malaki ang deperansya ng dalawang ito.
Sa kasalukuyan, isang sikat na isyu na ang paglaganap ng swine flu sa bansa. Hindi natin makakaila na isa nga itong seryosong sakit na maaring magresulta sa kamatayan. Pero ito lamang ba?
Noong ika labing siyam ng hunyo ay naitala sa unang pagkakataon sa bansa ang pagkamatay sa sakit na swine flu. Isang apat na pu't siyam na babae ang una dito sa bansa. Ngunit sa mga doktor ay may kaso din ang pasyente ng isang chronic heart disease. Ayon sa Department of Health, 445 na ang kumpirmadong nagkaimpeksyon ng A(H1N1) dito sa bansa at ayon sa kanila ay 80 porsyento na ang nakarekubra.
Ikumpara natin ito sa isa pang klase ng flu, ang Dengue. Noong 2007 ay may 43,938 na kaso ng dengue ang naitala dito sa Pilipinas at sa kasamaang palad ay 407 ang namatay dahil dito.
Kung ikukumpara ang mga numerong naitatala ng Departamento ng Kalusugan, ano dapat ang mas tuunan natin ng pansin? Ang swine flu ba? o Dengue?
Hindi man natin napapansin pero ang media ang umiimpluwensya sa atin. Dahil sa mga bagay na naririnig natin sa telebisyon o radyo, minsan ay sumosobra tayo sa pagtingin sa mga bagay na ito at nakakalimutan ng tignan ang mas malaking posibilidad sa ibang bagay.
Tulad na lamang ng Dengue at Swine Flu. Bakit sa laki ng agwat sa numero ng mga namamatay ay mas nababagabag ang mga tao sa swine flu? Bakit mas abala ang tao sa pag-iwas sa sakit na swine flu at mistulang parang lagnat at sinat na lamang ang tingin sa dengue.
Yan ang nagagawa ng media sa mga tao. Pera ang madalas na motibo dito.
Mukhang di lamang Swine Flu at Dengue ang sakit na humahawa sa bansa nating ngayon kung di ang masama at sobrang epekto ng Media sa mga tao.
Sa karamdaman na ito.. May maiimbento pa kayang gamot? Magisip ng mabuti.. Baka sarili lamang ang solusyon.

Wednesday, June 17, 2009

"Nagbigay ako ng milyones sa mga probinsya.. Trilyones sakin".

Marami nang isyung nailabas ang media tungkol sa pagkanta ng ating pambansang awit na "Lupang Hinirang". Madalas na nakrikritiko ay ang mga artistang kumanta nito dahil daw sa paraan ng kanilang magkanta. Pinaka-kasalukuyan na ang kay Martin Nievera, na umabot sa mga papel ng dyaryo at balita sa telebisyon. Kung iisipin natin, daang daang kritisismo ang inabot nila, pero ang mga politikong nasa ringside ng halos lahat ng laban ni pacquiao, anong nangyayari sa kanila? Bakit kahit isang kritisismo ay wala silang natanggap?
Suporta ang madalas na sinasabi nila kaya nandun sila sa naturang laban. Bakit? Hindi ba pwedeng buksan ang telebisyon para sumoporta? Bakit pa niyang kailangan kumuha ng mga paimportanteng upuuan at pagkamahal-mahal na eroplano at lugar na matutuluyan para lamang dun?
Partikular na sa mga laban na to ang presensya ni Gov. Chavit Singson. Simula ng sumikat si Manny Pacquiao ay madalas na siyang mapapansin sa ringside, nananuod? Nanunuod lang ba? Hindi maalis sa mga isip ng masa ang pustahan sa mga ganitong pagkakataon. Ni mga sabong ng manok nga, may pustahang nagaganap eh, ano pa kaya dito? Madaming pustahang nagaganap dito na marahil pinapasok ng mga manunuod.
Pera? Yun lang ba ang dahilan. Pagusapan natin ang pera. Ilang libong tao ang nagugutom ngayon sa bansa? Ilan ang namamatay araw araw dahil sa hirap ng buhay at kakulangan sa mga kailangan sa buhay? Isipin ang mga instansyang ikaw ang nasa lugar ng mahihirap. Tapos makikita mo at mapapanuod mo ang mga politikong ito sa mga wasak at luma mong telebisyon na nandoon sa laban ni Pacquiao.
Ilang libo kaya ang ginastos nila para makapunta dun at makanuod sa mismong harapan?
At ilang milyon at sinayang nila pera para ipusta? Na dapat sana pinapakain ang libo libong nagugutom dito sa bansa..
Kaya sa mga numumulitika, maling tao ang kinikritisismo niyo.

Tuesday, June 16, 2009

ang pagiging legal ko KAHAPON. ano NGAYON? paano ang BUKAS?

Noong ikaraang labing isa ng pebrero ay isa nakong legal na mamamayan dito sa Pilipinas. Bawal na akong pumatay. Pwede na akong makulong. Noon, pumapasok ako ng skwelahan sa mga napakasamang kadahilanan. Pera galing sa "allowance". Para makita ang mga kaibigan. Mga bagay na ganun. Hindi ko iniintindi ang pag-aaral dahil sa katangahan na pinairal ko sa akin, magsisimula lng ang tunay na pagaaral sa kolehiyo. Dahil ito na ang magdedesisyon kung ano ang magiging trabaho ko sa panghabang buhay. MALI
Ang pagiging parte ng mga problemang kinakaharap natin sa kasalukuyan ay sa totoo lng, ay di pumasok sa isip ko buong pagaaral ko. Sa totoo lang. Dati, WALA AKONG PAKI. Yan ang madalas na maririnig sakin ng mga tao kapag tinatanong ako sa mga problema ng bansa. Mapa-economiya man, relihiyon, o sa katiwalian ng gobyerno. Hindi ako nagbibigay ng ano mang komento tungkol sa mga bagay na ito dahil dati hindi ako naniniwala na kaya kong gumawa ng bagay na kayang baguhin o iligtas ang bansa sa mga ganitong bagay. MALI NANAMAN.
Namulat ako sa mga bagay na kahit kelan ay di pumasok sa isip ko. Sa mga inspirasyon na salita ng mga tao lalu na ang aking mga magulang, nagbigay daan ito para maiba ang aking maling paniniwala at bigyan ang aking sarili ng pagkakataong gumawa ng mabuting bagay di lamang para sa ikabubuti ng aking sarili, kung di para sa ikabubuti narin ng iba. Partikular na para sa bansa, at sa mga tao. TUMATAMA NA.
Sa pagtungtong ko sa legal na edad, maraming naging pagbabago sa aking mga prinsipyo sa buhay at mga nais kong maabot. Bagong hakbang sa akin ang pagrehistro ko sa darating na halalan sa taong dalawang libo't sampung taon na halalan. Hindi lang dahil para magkaroon ng "voter's I.D" o para lamang masabing bumoto ako. Binigyan ako nito ng pagkakataon makapagisip ng kritikal sa tamang pagpili ng kandidato. Hindi lamang dahil sikat o may pera, kung hindi para sa ikabubuti ng bansa. MEDYO NAIISATAMA NA.
Sa pagkakataong ngayon ay nasa kolehiyo na ako. Ninanais ko nang magshift ng Polsci o kaya kahit anong kurso na maari kong gamiting pang pre-law. Hindi dahil gusto ko lng magpasikat sa mga magulang ko kundi para makatulong. Sa sarili at sa ibang tao. Hindi nga lahat ng bagay sa mundo ay maaring isa-tama. Pero lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon para makagawa ng simpleng bagay para sa mga kumplikadong isyu na maari at may pagkakataong ma-iligtas ang naghihirap nating bansa ngayon. Na sa saatin ang desisyon at pagkakataon. Hindi dapat ito sayangin. Ang dapat na dati ko pa ginawa.. Sinisimulan na ngayon. "Citizenship" Nararapat lamang na alam ko ang kahulugan nito at ang responsibilidad at pribilehiyong kasama nito.
Mahabang hakbang ito para sa bukas, at sa susunod na bukas, at sa mga susunod pa. Ang mga mali kahapon, ang mga maling pagiisip ngayon, ay mabago na. At ang bukas? sa maliliit na bagay at simpleng tamang gawa.. magiging TAMA!