Tuesday, June 16, 2009

ang pagiging legal ko KAHAPON. ano NGAYON? paano ang BUKAS?

Noong ikaraang labing isa ng pebrero ay isa nakong legal na mamamayan dito sa Pilipinas. Bawal na akong pumatay. Pwede na akong makulong. Noon, pumapasok ako ng skwelahan sa mga napakasamang kadahilanan. Pera galing sa "allowance". Para makita ang mga kaibigan. Mga bagay na ganun. Hindi ko iniintindi ang pag-aaral dahil sa katangahan na pinairal ko sa akin, magsisimula lng ang tunay na pagaaral sa kolehiyo. Dahil ito na ang magdedesisyon kung ano ang magiging trabaho ko sa panghabang buhay. MALI
Ang pagiging parte ng mga problemang kinakaharap natin sa kasalukuyan ay sa totoo lng, ay di pumasok sa isip ko buong pagaaral ko. Sa totoo lang. Dati, WALA AKONG PAKI. Yan ang madalas na maririnig sakin ng mga tao kapag tinatanong ako sa mga problema ng bansa. Mapa-economiya man, relihiyon, o sa katiwalian ng gobyerno. Hindi ako nagbibigay ng ano mang komento tungkol sa mga bagay na ito dahil dati hindi ako naniniwala na kaya kong gumawa ng bagay na kayang baguhin o iligtas ang bansa sa mga ganitong bagay. MALI NANAMAN.
Namulat ako sa mga bagay na kahit kelan ay di pumasok sa isip ko. Sa mga inspirasyon na salita ng mga tao lalu na ang aking mga magulang, nagbigay daan ito para maiba ang aking maling paniniwala at bigyan ang aking sarili ng pagkakataong gumawa ng mabuting bagay di lamang para sa ikabubuti ng aking sarili, kung di para sa ikabubuti narin ng iba. Partikular na para sa bansa, at sa mga tao. TUMATAMA NA.
Sa pagtungtong ko sa legal na edad, maraming naging pagbabago sa aking mga prinsipyo sa buhay at mga nais kong maabot. Bagong hakbang sa akin ang pagrehistro ko sa darating na halalan sa taong dalawang libo't sampung taon na halalan. Hindi lang dahil para magkaroon ng "voter's I.D" o para lamang masabing bumoto ako. Binigyan ako nito ng pagkakataon makapagisip ng kritikal sa tamang pagpili ng kandidato. Hindi lamang dahil sikat o may pera, kung hindi para sa ikabubuti ng bansa. MEDYO NAIISATAMA NA.
Sa pagkakataong ngayon ay nasa kolehiyo na ako. Ninanais ko nang magshift ng Polsci o kaya kahit anong kurso na maari kong gamiting pang pre-law. Hindi dahil gusto ko lng magpasikat sa mga magulang ko kundi para makatulong. Sa sarili at sa ibang tao. Hindi nga lahat ng bagay sa mundo ay maaring isa-tama. Pero lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon para makagawa ng simpleng bagay para sa mga kumplikadong isyu na maari at may pagkakataong ma-iligtas ang naghihirap nating bansa ngayon. Na sa saatin ang desisyon at pagkakataon. Hindi dapat ito sayangin. Ang dapat na dati ko pa ginawa.. Sinisimulan na ngayon. "Citizenship" Nararapat lamang na alam ko ang kahulugan nito at ang responsibilidad at pribilehiyong kasama nito.
Mahabang hakbang ito para sa bukas, at sa susunod na bukas, at sa mga susunod pa. Ang mga mali kahapon, ang mga maling pagiisip ngayon, ay mabago na. At ang bukas? sa maliliit na bagay at simpleng tamang gawa.. magiging TAMA!

No comments:

Post a Comment